Babaeng nakatulog sa bus, nagkaroon ng instant admirer

Nag-viral ang nakakatuwang karanasan ng netizen na si Jean Arbon nang minsang makatulog siya sa bus pauwi ng kanilang bahay.

Di niya kasi inaasahan na sa kanyang pag-idlip ay mayroon pa siya ng admirer.

Nagising na lamang si Jean nang malapit na siya sa kanyang bababaan.

Nagulat siya na hindi manlang siya ginising ng konduktor upang singilin ng pamasahe.

Nang tanungin ang konduktor, inabot nito ang tiket na may nakasulat sa likod.

"Hi miss, I find u cute while u were sleepin' fare is on me. Eng'r, Saw u twice, hope to meet u again!" ang nakasulat sa tiket.

Ang problema, wala manlang pangalan ang o numero ang tiket para sana mapasalamatan niya ang misteryosong "engineer" na nilibre pa siya sa pamasahe.

Dahil dito, maraming netizens ang kinilig at nagnanais na may makasakay ding lalaking tulad ni "engineer"

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Mayroon nang 39,000 reactions at 23,000 shares ang post na ito.
Powered by Blogger.