Serbisyong totoo! Yorme Isko, lumusong sa baha para silipin ang kalagayan ng mga nasasakupan

Tuloy ang serbisyo publiko ni Mayor Isko Moreno. Ito ay sa gitna ng malawakang pagbaha dala ng tuloy tuloy na pag-ulan kamakailan.

Isang netizen ang nagbahagi ng litrao ng mayor kasama ang ilan pang mga tauhan nito na lumulusong sa baha kamakailan. Basi sa Facebook post na ibinahagi ni Ons Lino Reyes, lumusong sa baha si Mayor Isko Moreno ng Maynila para silipin ang mga kalagayan ng mga tao.

Ilang buwan pa lamang mula nang mahalal si Isko bilang mayor ng Maynla pero naging laman siya lagi ng balita dahil sa mga magagandang nagawa upang ayusin ang nasasakupang lungsod.


Naging maugong din ang pagkukumpara sa kanya sa ibang mga mayor sa karatig na lungsod. Narito ang mga reaksiyon ng netizens sa lumabas na litrato niya sa social media.


May mga netizens na nagbigay ng ibang kulay sa litratong lumabas. Ayon sa ilang netizens, nagpapakitang gilas lamang ito para bumango sa tao at iboto sa susunod na eleksiyon. May mga naglabas naman ng sama ng loob dahil sa diumano'y mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa paglilinis niya sa mga lugar kagaya ng dibisorya.

Gayunpaman, may mga nagtanggol sa kanya at nagsabing nararapat lang na ibahagi ang mga mabubuting gawa ng mayor upang tularan ng ibang mga nanunungkulan sa pamahalaan. Pagtatanggol pa ng ilang netizens, ginagawa lamang ni Mayor Isko ang kanyang trabaho na alisin ang mga illegal na nagtitinda na nakakadagdag sa pagsisikip ng lansangan.
Powered by Blogger.