198 na empleyado, emosyonal nang malamang manumbas ₱2.5 million ang kanilang bonus

Isang Real Estate company sa Maryland USA ang naglaan ng $10 million na ibinahaging bonus sa kanilang mga empleyado.

Ayon sa Inquirer.net, nasa 198 ang empleyado ng St. John Properties na naging emosyonal ang inanunsyo ng kanialng founder and chairman ang espesyal na surpresa sa kanila na ginanap noong Diyembre 7.

Sa video na kuha sa mismong annual party ng kompanya, mayroong pinamamahaging pulang envelope na doon pala nakasaad ang nakakalulang halaga ng kanilang bonus.

Lumalabas na asa $50,000 o manumbas ₱2.5 million ang maaring matanggap ng mga empleyado ngunit ito ay ayon sa tagal nila sa St. John Properties.

Gulat na gulat ang mga empleyado nang malaman ang surpresa na ito ng kompanya.

Nilarawan nila itong "Magical" at "life changing".

Karamihan din sa kanila ay naging emosyonal dahil di talaga nila inakala ang napakalaking biyaya na ito.

Ang halaga pang ito ay karagdagan lamang sa taon-taong tinatanggap ng mga empleyado mula sa kompanya.

Narito ang kabuuan ng video:

Ayon kay Edward St. John, chairman at founder ng St. John Properties, napagtagumapayan nila na i-develop ang 20 million square feet of office space, retail and warehouses saloob ng eight states in the US.

“I steer the boat but they’re the ones that run the boat, they’re the ones that make the boat go, without the team, we are nothing. We are absolutely nothing,” pahayag ni St. John.
Powered by Blogger.