Ngiting tagumpay! Manny Pacquiao, PolSci graduate na ng University of Makati

Proud ang boxing superstar na si Senator Manny Pacquiao dahil nakapagtapos na siya ng kolehiyo ngayong ara, Disyembre 11 sa University of Makati.

Bakas ito sa mga larawang kuha sa kanyang graduation rites kung saan nakatanggap siya ng diploma sa kursong Bachelor of Arts in Political Science- Local Government Administration.

Litaw na litaw ang ngiting tagumpay kay Pacman dahil sadyang napaka-espesyal ng araw na ito para sa kanya.


Sinamahan siya ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao at ang panganay nilang anak na si Jimuel.

Naki-martsa rin ang pambansang kamao habang suot ang kanyang toga.

Sa kanyang Instagram post, di pa rin nawala ang kanyang paniniwala tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa isang tao.

Ayon sa Pambansang Kamao, magsilbing inspirasyon daw siya sa mga taong minsan nang nawalan ng kompiyansa sa sarili.

Nagpasalamat sin siya sa mga taong sumuporta sa kanya sa kanyang desisyong magtapos pa rin ng pag-aaral sa kabila ng tinatamasang tagumpay sa buhay.

Nabanggit ng senador na pagkatapos niya ng kolehiyo, binabalak rin niyang mag-masteral sa Harvard University sa Amerika.


Taong 2007 nang makapasa sa Alternative Learning System si Senator Manny na siyang naging simula ng kanyang buhay kolehiyo.

Dala ng dami ng kanyang pinagkakaabalahan, pakonti-konti lamang ang units na kanyang kinuha para sa kurso kaya naman natagalan siyang mag- kolehiyo.

Ngayon at isa na namang tagumpay ang kanyang nakamit, pinangako ng senador na kailanman ay di niya malilimutan ang mga naging karanasan at natutunan sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
Powered by Blogger.