Donita Nose, ipinakita ang kasalukuyang sitwasyon ni Tekla sa gitna ng kontrobersiya



Sinadya ni Donita Nose na bisitahin ang kanyang katandem na si Super Tekla na pinupukol ngayon ng mga isyu mula sa kanyang live-in partner.


Nalaman ng Trending Bytes na sa latest vlog ng dalawa sa kanilang YouTube channel na Donekla in Tandem, ipinakita ni Donita ang nakaririmarim na kalagayan ng condo ni Tekla.


Marumi, mabaho, makalat, puno ng insekto ang unit na iniwan na lamang ng ganoon ng mga dating tumira roon na ngayo'y nag-alsa balutan na.



Bagaman at nakangingiti na kahit na paano, mababakas pa rin kay Tekla ang sakit na pinagdaraanan ngayon at 'di pa rin natutuldukan ang isung kinasasangkutanmula nang dumulog ang kanyang live-in partner na si Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo.


Subalit makailang beses din naman niyang nabanggit sa vlog ang salitang 'move on' na sinisikap niyang gawin sa gitna ng mga pangyaayri.


Aminado rin siyang "devastated" siya mula nang lumabas ang mga pasabog laban sa kanya na halos hindi siya makalabas ng kanyang tirahan.


Subalit sa tulong na rin ni Donita, unti-unti nang nakakabangon si Super Tekla.


Si Donita na rin ang tumulong sa paglilinis at pag-aayos ng condo unit ni Tekla na marami rin daw siyang babayaran dito dahil sa fully-furnished niya itong nakuha at sinasabing naibenta ng kanyang ive-in partner ang ilan sa mga gamit, babayaran daw niya ito.


Narito ang kabuuan ng video:

Powered by Blogger.