Donita Nose, nanggigil sa akusasyong scripted ang vlog nila ni Tekla



Hindi pinalampas ni Donita Nose ang akusasyon na scripted lamang umano ang pinakita nila sa pikahuli nilang vlog ni Tekla kung saan pinagtulungan nilang linisin ang condo unit ng komedyante na dating tinirhan din ng dating karelasyon na si Michelle Bana-ag kasama ang kapatid nito at ang kanyang mga pamangkin.


Matatandaang agad na umani ng mga reaksiyon ang nasabing vlog dahil sa pinakita sa video na mga naiwang dumi sa condo unit.


Gayunpaman, tinulungan pa rin ni Donita ang kaibigan na linisin ang condo.


Sa isang screenshot ng convo na kumakalat ngayon sa Facebook, sinabi ng isang Facebook user na may pangalang Ashley Makyuut na sinasabing kapatid umano ni Michelle na scripted lang daw iyon at kinalat umano nila ang mga gamit na naroroon para sa vlog.





"Hahhahahhaaa gusto sumikat ni ashley makyuut... Kakagigil ka dae!.. Scrpited? Dinala namin ang ipis? Juskooo sana sumama ka para nakita mo at nakatulong ka din maglinis para nalinis din mata at utak mo! Gigil mo ko" ani Donita.


Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Powered by Blogger.