Miss Ilolo, kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2020



Nagdiriwang ngayon ang mga Ilonggo at Ilongga dahil wagi ang pambato nilang si Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020.


Nalaman ng Trending Bytes na si Rabiya rin ang nakakuha ng Best in Swimsuit award sa ginanap na preliminaries sa Baguio City.


Sa 46 na mga kandidatang nangarap na masungkit ang korona, si Rabiya ang mapalad na nagwagi at ang magiging kinatawan ng bansa para sa Miss Universe 2020.




Ayon sa Philippine Star, mula sa 46 na mga kandidata ay pinili ang top 16 hanggang sa top 5 na lamang sila na nagtunggali para makuha ang korona.


Samantala, ginawaran naman bilang 4th runner-up si Miss Cavite, Kimberly Hakenson. 3rd runner-up naman ang crowd favorite na si Pauline Amelinckx ng Bohol.


2nd runner-up si Michelle Theresa Gumabao ng Quezon City at 1st runner-up naman si Maria Ysabella Ysmael ng ParaƱaque.


Ayon sa Rappler, ginanap ang coronation day sa Baguio Country Club ngayong Oktubre 25.


Ang Lunch Out Loud host na si KC Montero ang host ng programa.


Ang korona na tinawag nilang "Filipina" na disenyo ng pamilyang Villarica ng Villarica Pawnshop chain.




Si Gazini Ganados ang nagpatong ng korona kay Rabiya bilang siya ang nagawaran noon ng Miss Universe Philippines 2019.


Ang pambato ng Bohol na si Pauline Amelinckx ang nag-uwi ng apat na awards kabilang dito ang Most Beautiful Face, Miss Creamsilk, Miss Downy Sweetheart, at Miss Cetaphil Sun.


Disyembre noong nakaraang taon nagsimulang tumanggap ng mga candidates para sa Miss Universe Philippines 2020 na sa kabila ng pandemya ay naituloy pa rin.

Powered by Blogger.