Raffy Tulfo to Michelle Bana-ag: "Pati anak mo mawawala sayo, ipapa-transfer ko yan kay Tekla!"



Mainit ang huling pag-uusap nina Raffy Tulfo at ng dating live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag.


Nalaman ng Trending Bytes na umatras pala si Bana-ag sa hamon nitong ipagpatuloy ang drug test at lie detector test upang mapatunayan umano sa kanyang mga bashers na nagsasabi siya ng katotohanan.


Sa episode ng Wanted sa Radyo ngayong Oktubre 27, talagang napaiyak nang husto si Michelle nang magmatigas na si Tulfo na hindi na umano siya nito tutulungan.


Maging ang hiniling nitong pambayad sa tatlong buwang renta ng tinutuluyan at mga groceries para sa kanilang pamilya ay agad ding binawi ni Tulfo.


Ito ay dahil mas lumakas ang kumpiyansa ng host na may mga itinatago pa rin si Michelle lalo na ang tungkol sa paggamit pa rin niya di umano ng ipinagbabawal na gamot.


"Wala na. Wala na. Kita mo yan? Hamon ka nang hamon. Pinatulan ko yung hamon mo, hamon pa more!" ang natatawa na lang nasabi ni Tulfo.


Ang masaklap pa rito, malaki rin ang posibilidad na maalis sa poder ni Michelle ang anak nila ni Tekla na si Baby Angelo lalo na kung mapatunayan na siya ay patuloy pa ring gumagamit ng iligal na droga.


Maging ang mga pamangkin din daw nito ay ipa-aassess sa DSWD upang malaman kung nararapat bang sina Michelle pa rin ang nangangalaga sa mga ito.


"Sapagkat nakikita ko mukhang hindi ka karapat-dapat mag-alaga ng bata sapagkat gumagamit ka pa rin!"


“Why? Dahil takot kang magpa-drug test! Meaning, you’re still using," ang mabibigat na salitang binitawan ni Tulfo kay Bana-ag.


"Ngayon, pati anak mo mawawala sa 'yo dahil ipata-transfer ko ‘yan kay Tekla!" ang labis na nagpahagulhol kay Michelle na di na pinagsalita pa ni Tulfo.


Maging ang kapatid nitong sinusubukang sumingit para magpaliwanag ay di na rin pinahintulutan pa ni Tulfo na makapagpaliwanag.


Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

Powered by Blogger.