Raffy Tulfo, umatras na sa pagtulong sa live-in partner ni Tekla; Mga tests, di na rin itutuloy



Mabilis ngunit malinaw ang naging usapan nin Raffy Tulfo at Michelle Lhor Bana-ag sa pinakahuling panayam nila sa Wanted sa Radyo.


Nalaman ng Trending Bytes na umpisa pa lamang ng progrma ay isinalang na agad ang dating live-in partner ng komedyanteng si Super Tekla.


Ito ay dahil sa umaatras na raw ito sa pagpapatuloy niya sana ng drug test at lie detector test.


Kahapon lamang, Okktubre 26, ay malakas pa ang loob ni Michelle na ipatuloy pa rin gng ma nasabing test para lamang patunayan umano sa kanyang mga bashers na nagsasabi siya ng katotohanan.


Ngunit ilang oras matapos ang panayam na iyon on-air, nakatanggap ng test ang staff ni Raffy Tulfo mula kay Michelle at sinasabing umaatras na ito sa mga isasagawang test.


Ang dahilan, natatakot daw umano itong ma-binat lalo na at hair follicle test ang isasagawa sa kanya upang malaman kung gumagamit pa ito ng ipinagbabawal na gamot.


Ito ay sabi raw ng tiya ni Michelle kaya nagbago raw umano ang kanyang isip tungkol sa mga isasagawa sa kanya.


Makailang beses daw na sinubukang kumbinsihin ng staff ni Tulfo si Michelle ngunit umayaw na raw talaga ito.


Nang mismong si Tulfo na ang kanyang nakausap kung saan siya ay nasabihan na nito ng ilang mabibigat na salita, muli itong pumayag.


sa kasamaang palad, si Tulfo na ang umayaw sa pagtulong kay Michelle. Napagtanto umano nito na tila may tinatago ang dating live-in partner ni Tekla.


Umatras na rin si Tulfo sa mga tulong na ibibigay niya sana sa pamilya ni Michelle lalo na at sa pantaha nila'y gumagamit pa umano ito ng iligal na droga.


"Meron ka talagang itinatago, you're lying!" ang isa lamang sa mga mabibigat na pahayag ni Tulfo kay Michelle na noo'y walang tigil na sa pag-iyak.


Ang tanging magagawa lamang umano ng programa ni Tulfo ay ang ipa-DSWD ang mga pamangkin ni Michelle upang malaman kung nararapat pa nga ba na malagak sa pudar nito ang mga bata.


Maging ang anak nina Tekla at Michelle ay di na rin matutulungan pa ni Tulfo at sinabi nitong hindi naman pababayaan ng komedyante ang kanyang supling.


Iyon na raw ang huling panayam na gagawin nila kay Michelle.


Narito ang kabuuan ng video sa umpisa pa lamang ng programang 'Wanted sa Radyo'

Powered by Blogger.