Tekla at live-in partner, nagkausap na; Michelle Bana-ag, itutuloy pa rin ang mga tests



Agad na nagbigay ng update ang Raffy Tulfo in Action patungkol sa pinakaaabangang kaso ni Michelle Lhor Bana-ag laban sa live-in partner niyang si Romeo Librada o mas kilala bilang si 'Super Tekla.'


Nalaman ng Trending Bytes sa panayam ni Raffy Tulfo kay Bana-ag, nasabi nitong nagkausap at nagkaroon na sila ng kasunduan ni Tekla.


Gumawa umano ng kasulatan ang manager ng komedyante na kanilang pinirmahan sa pagtatapos ng kanilang pag-uusap.


Nabanggit din ni Michelle na nais pa rin sana silang kunin ni Tekla lalo na ang kanyang anak subalit hindi na siya pumayag.



Ito ay dahil ang nais na lamang isama ni Tekla ay ang mag-ina niya at hindi na ang mga kamag-anak ni Bana-ag.


Kaya naman sa kasulatang kanilang pinirmahan, magbibigay na lamang ng sustento si Tekla para sa anak nila ni Michelle.


Subalit pinayuhan ni Tulfo si Bana-ag na ipabago ang kasulatan at gawing malinaw na maging ang pag-aaral at pagpapagamot ng anak ni Tekla ay kasama rin sa sustentong ibibigay nito.


Nilinaw din ni Michelle na sa kabila ng pag-urong niya sa kasong isasampa sana laban kay Tekla, desidido pa rin siyang sumailalim sa lie detector test at drug test. Ito raw ay upang mapatunayan sa kanyang mga 'bashers' na nagsasabi siya ng katotohanan.


Narito ang kabuuan ng video mula sa programang Wanted sa Radyo:

Powered by Blogger.