Tekla, maraming babayarang gamit sa condo dahil sa di umano'y mga naibenta ng live-in partner



Naglabas na ng update si Romeo Librada o mas kilala bilang si Tekla patungkol sa kasalukuyan niyang kalagayan matapos na pumutok ang isyu na ibinato sa kanya ng dating live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.


Nalaman ng Trending Bytes na binisita umano siya ng malapit na kaibigan at katrabaho na si Donita Nose para makumusta ng personal ang kapwa komedyante.


Doon makikita ang mga "naiwan" ng dating mga kasama ni Tekla sa kanyang condo unit na talaga namang hindi kaaya-ayang tingnan.


Nabanggit pa ni Donita na talagang hindi na rin maganda ang amoy ng lugar dahil sa mga basura at bulok na pagkaing iniwan ng mga tao roon na ang-alsa balutan na matapos na makapagsumbong sa programa ni Raffy Tulfo.



Habang sila'y naglilinis, nabanggit ni Tekla na fully-furnished ang unit na iyon. Subalit ayaw man niyang banggitin, marami raw ang naibenta ni Michelle na kagamitan kaya naman namomroblema siya ngayon sa pagbabayad ng mga ito.


"Wala, ganun talaga, yung inaakusa nila sa akin, hindi manlang makapaglinis ng unit. move on!"


"Namomroblema lang kasi ako noong nilipatan ko ito dito maayos lahat, so hindi ako makakaalis dito hangga't hindi ko siya naibabalik sa tamang kung anong itsura niya noong pinuntahan ko"


"Lahat pinagbibenta, ayaw ko nang i-mention, pero binenta niya... Di nila alam kung ilang libong gagastusin ko dito!" ang ilan sa mga naging pahayag ni Tekla sa latest video niya sa kanilang YouTube channel na "Donekla in Tandem."


Gayunpaman, mapapansin na madalas na niyang nababanggit ang salitang "move-on" at nakakangiti na rin ito sa kabila ng hindi pa natutuldukan na kontrobersiya.


Narito ang kabuuan ng video:

Powered by Blogger.