Tim Sawyer, nabanggit ang pagpapa-Tulfo sa kanya ni China Roces sa bagong video



Balik sa kulitan ang vlogger couple na sina China Roces at Tim Sawyer na kapansin-pansin sa pinakabago nilang video.


Nalaman ng Trending Bytes na mabilis na nag-viral ang video ilang oras matapos na ma-upload ito sa Facebook page ni Tim.


Sa video, makikitang nasa isang skin care center ang dalawa kung saan sagot daw ni Tim ang mga pagpapaganda ni China sa araw na iyon.



Biro tuloy ni China, na baka natatabaan at napapangitan na si Tim sa kanya kaya siya dinala roon. Ngunit paglalambing naman ng kanyang partner na nais lamang niya itong gumanda lalo.


Sa kanilang pagkukulitan, nabanggit pa ni Tim ang naganap na pagpapa-Tulfo ni China sa kanya halos dalawang buwan na ang nakararaan.


"Baka ireklamo mo na naman ako ulit e... Natatakot ka, baka mapa-live ka na naman ulit?" ang pabirong sabi ni Tim na ikinatuwa naman ni China.


Tila marami sa kanilang followers ang natuwa sa muling pagkakaayos ng dalawa na litaw na litaw naman sa natural na kulitan nila sa video.

Powered by Blogger.