Dating Goin' Bulilit star na si Trina "Hopia" Legaspi, engaged na



Engaged na ang dating Goin' Bulilit star na si Trina Legaspi na mas kilala sa tawag na "Hopia." Sa kanyang social media post, ilang litrato na kuha sa pagpropose ng kanyang boyfriend ang kanyang ibinahagi.


Kalakip ng mga litrato kung saan makikita na siya ay naging emosyonal, isang madamdaming mensahe ang kanyang ibinahagi.


Base sa kanyang caption, anim na taon nang magkarelasyon si Trina at ang boyfriend nito. Ibinahagi niya rin ang kanyang excitement na ikasal sa kanyang 'first and only love.'




"11/22/20 6 years together and forever!! Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! I can’t wait to marry my first and only love. Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang! Yey!! Grabe Babe, na-SURPRISE talaga ako, akala ko ‘nung una ‘di pa para sakin ‘yung proposal! Hahaha! I’ll share with you guys our proposal story soon. Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!!"




Si Katrina Legaspi ay isa sa mga child star na sumikat sa youth oriented show na Goin' Bulilit kung saan kasabayan niya sina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Noong 2016 ay muli siyang nagbalik sa pag-aartista matapos niyang lisanin ang mundo ng showbiz upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.


Nagtapos siya sa kursong Communication Arts sa Miriam College.

Powered by Blogger.