Hagupit ng bagyong #RollyPH, ramdam na ramdam sa Bicol Region



Ramdam na ramdam na ang hagupit ng super typhoon na Rolly sa Bicol Region matapos itong mag land fall Linggo ng umaga.


Makikita sa mga video na ibinahagi sa iba't-ibag social media platforms ang lakas ng hangin na sinabayan ng pag-ulan na nagdulot na ng pagbabaha at pinsala sa ilang lugar.


Kabilang ang Catanduanes, Silangang bahagi ng Camarines Sur, at Albay sa mga lugar na isinailalim sa storm signal no. 5 bunsod ng lumalakas na bagyo.





Ang metro Manila naman at iba pang karatig na lalawigan ay isinailalim na sa signal no. 4.


Sa Bigaa Elementary School sa Legazpi City, nagiba ang kisame ng isang paaralan na pansamantalang tinutuluyan ng ilang residente bunsod ng malakas na hangin. Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.


Bago pa man ibaba ng PAGASA ang anunsiyong ito, itinuring ang naturang bagyo bilang pinakamalakas na tumama sa mundo ngayong taong 2020. Inaasahang lilisanin ng bagyong Rolly ang Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes, November 3.


Dahil sa lokasyon ng bansang Pilipinas na nasa Karagatang Pasikipiko, madalas na tinatamaan ng bagyo ang bansa. Mayroong sa sobrang lakas ay nagdulot ng matinding pinsala kagaya na lamang ng Bagyong Yolanda noong November 8, 2013.

Powered by Blogger.