Kapatid ni Michelle Bana-ag, ibinahagi ang video ng taong di umano'y tutulong sa kanila



Isang video ang ibinahagi ng kapatid ni Michelle Lhor Bana-ag na si Ashley Makyuut kung saan isang lalaki na tinawag nilang "Kuya Rashid" ang handa umanong tumulong sa kanilang pamilya.


Si Michelle ang dating kinakasama ng komedyanteng si Super Tekla na inireklamo siya sa programa ni Raffy Tulfo.


Nalaman ng Trending Bytes na nabanggit ng lalaking nasa video na binahagi ni Ashley na handa umano itong magbigay tulong ng pagpapapustiso ni Michelle.


Ito ay matapos daw nilang mapanood na tumanggi na si Tulfo sa tulong na ibibigay sana niya sa pamilya ni Michelle sa paghihinalang gumagamit pa rin ito ng ipinagbabawal na gamot.



"Sabihin mo lang kung magkano yung halaga ng pustiso mo, gagawan natin ng paraan na matulungan ka," ayon sa kanilang tinawag na "Kuya Rashid."


Ayon pa sa lalaki di raw dapat na mag-alala si Michelle na baka mawala sa kanya ang kustodiya ng anak nila ni tekla sa kanya.


Hindi pa naman daw umano napapatunayang gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot kaya wala raw itong dapat na ipangamba.


"Kung winidro ni Idol Raffy Ang tulong niya sa'yo, kami ang handang tumulong sa inyo," dagdag pa ng lalaki.


Narito ang kabuuan ng video:

Powered by Blogger.