Pamilya sa Albay na nanatili sa kisame habang humahagupit si "Rolly", sapul sa video



Umantig sa puso ng marami ang video na nagpapakita ng kalagayan ng isang pamilya sa Albay, Bicol.


Nalaman ng Trending Bytes na kuha ang video sa kasagsagan ng Bagyong Rolly na naituring na Super Typhoon na tumama sa bansa.


Makikita sa video na naibahagi rin ng GMA Public Affairs kung paanong nanatili ang isang pamilya roon sa kisame ng kanilang tahanan habang humahagupit si "Rolly."


Matinding kapit sa lubid na nakakubli sa haligi ng bahay ang kanilang pinanghahawakan.


Kasabay nito ang pagbigkas nila ng panalangin upang maligtas sila sa nakaambang panganib dahil sa lakas ng hangin, ulan at matinding pagbaha.


Maririnig din ang di mapigilang pag-iyak ng ilan sa kanila dala ng matinding takot.


Ang masaklap pa kasi sa nangyari, bukod sa pag-ulan, hangin at baha, rumaragasa rin ang lahar sa kanilang lugar na may kasamang malalaking bato.


Dahil dito, hangad ng mga netizens na nakapanood ng video na nakaligtas pa rin ang pamilyang ito na talagang lumaban at nanalangin, para sa kanilang buhay.


Panoorin ang video dito:

Powered by Blogger.