Allan K, emosyonal na idinetalye kung paano niya napaglabanan ang COVID-19



Buong tapang na isinalaysay ng komedyanteng si Allan K ang naging karanasan niya sa pakikipaglaban sa COVID-19.


Nalaman ng Trending Bytes na marami ang napaiyak ni Allan K nang mapanood ang episode ng 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga ngayong Sabado, Disyembre 12 kung saan isa ang nasabing komedyante sa mga pamimilian.


Inilahad niya ang bawat kaganapan mula nang mapag-alaman niyang COVID-19 na nga ang kanyang karamdaman.


Talagang napaiyak na si Allan K habang ikinikwento ang laban niya sa pagkakaroon ng COVID-19 Screengrab from Eat Bulaga video



"In denial ako na mako-COVID ako. Nung magsimula ang 2020, masyado nang maraming hindi maganda na nangyari sa buhay ko," pahayag ni Allan na hindi na napigilan ang luha habang siya ay nagkikwento.


Matatandaang ngayong taon, pumanaw ang kanyang bunsong kapatid at makalipas lamang ang dalawang buwan ay pumanaw din ang kapatid niyang babae na nanirahan pa sa kanyang poder sa loob ng 17 na taon.


Dala ng pandemya, nagsara pa ang kanyagn dalawang negosyo kaya naman masasabing patong-patong na ang pagsubok na kinaharap ni Allan K sa taong ito.


At nang magkaroon siya ng COVID-19, ganoon na lamang ang takot na kanyang naramdaman dahil bukod sa severe case siya, diabetic pa siya at aminadong nagkaka-edad na.


Masasabing masuwerte pa rin si Allan dahil kung nahuli pa siya ng dalawang araw sa pagpapa-doktor, marahil ay nalagyan na rin siya ng tubo.


"Kumapit ako sa favorite ko na verse sa Bible, Exodus 50 Verse 26," emosyonal na sinabi ni Allan na lumabas daw talaga ang kanyang pagiging kristyano sa mga panahong nilalabanan niya ang virus.


Pinasalamatan niya sina Vic Sotto at asawa nitong si Pauline Luna na una nang nakaalam na nagpositibo si Allan K sa virus. Nagpasalamat din siya kay Mayor Vico Sotto na hindi siya pinabayaan lalo na at sa isang ospital siya sa Pasig City na-admit. At sa iba pa niyang mga Dabarkads na nagpalakas sa kanya sa panahong sinubok lalo ang kanyang katatagan.


Narito ang kabuuan ng video mula sa Eat Bulaga YouTube:

Powered by Blogger.