China Roces, napaiyak dahil sa tuluyan nilang paghihiwalay ni Tim Sawyer



Hindi napigilang maiyak ni China Roces nang ikwento niya ang tungkol sa tuluyang paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer.


Malungkot lang umano siya na sa unang pasko sana na kasama niya ang pamilya sa bahay na kanyang binili, hindi sila kumpleto kaya napagpasyahan niyang mag-pasko na lamang sa bahay ng kanyang mga magulang kasama ng anak nila ni Tim na si Timothy.


Ayon pa kay China, pinilit niya sanang mabuo ang kanyang pamilya ngunit mahirap na talagang ipilit ayusin ang isang bagay na hindi na umano maaayos.



Gayunpaman, tila tanggap niya na ang nangyari dahil aniya hindi naman pwedeng ibigay sa kanya ang lahat. Mayroon na siya ng mga bagay na dati niya lang pinangarap kagaya ng sariling bahay, sasakyan at maayos naman umano ang kanyang career.


Samantala, bumuhos naman ang mensahe ng pagsuporta kay China kasunod ng kanyang emosyonal na rebelasyon.


"Cheer up tayo para sa mga anak natin.hayaan mo magiging masaya ka din balang araw masakit lang yan sa umpisa. Merry Christmas Ms china and to all."


"Sobrang iyak ko talaga idol china wag kang mag alala madaming blessings ang dadating sayo ay andto kame para sayo"


"Dasal k lang kaya mo yan sabi nga kung ukol bubukol godbless praypraypray lagi love k n lord gagabayan ka nya higit p sa kanya makakatagpo k dahil mabait kang tao merry christmas sa family mo at maraming nagmamahal sau"

Powered by Blogger.