Miss Manila at ‘Sexy Hipon’ Herlene, mainit ang naging sagutan sa ‘Tutok to Win'



Nagkainitan sina Miss Manila Alexandra Abdon at ‘Sexy Hipon’ Herlene nang magkaharap sila sa wakas sa Wowowin, Tutok to Win nitong Biyernes lamang nang pumunta si Alexandra upang personal na humingi ng dispensa dahil hindi siya nakapunta matapos niyang tanggapin ang paanyaya ni Willie Revillame.


Makikita ang tila pagdaramdam pa rin ni Harlene sa sinabi ni Alexandra tungkol sa umano'y pagiging iskwater niya.


Sinubukan naman ni Alexandra na ipaliwanag ang kanyang panig at wala umano syang naaalalang sinabi niyang masama tungkol kay Harlene.


Tuloy-tuloy ang kanilang mainit na sagutan hanggang sa nagsalita na rin at namagitan si Michelle Gumabao na isa din sa mga kalahok ng Miss Universe 2020. Si Michelle ay tinanghal na 2nd runner up sa MUPH na ginanap nito lamang nakaraang October 25, 2020.


Maging ang founder ng Frontrow na si RS Francisco at inudyukan ang dalawa na magbati na lamang dahil pasko naman. Sa huli, nagkamayan ang dalawa upang ipakitang nagkaayos na sila.


Gayunpaman, nang muling magsalita si Alexandra matapos magpaliwanag ni Harlene, pinutol na ni Willie ang sasabihin nito dahil hindi na umano sila matatapos kung muli na naman silang magkakasagutan.


Panoorin ang video dito:

Powered by Blogger.