Netizen, nais matulungan ang 73-anyos na ice drop vendor na nakatulog sa paglalako



Viral ang post na orihinal na ibinahagi ni Carlos Pajo tungkol sa isang ice drop vendor na nakatulog na sa paglalako.


Nalaman ng Trending Bytes na 73-anyos na ang tindero ng ice drop na marahil dala ng matinding pagod, nakaidlip na habang naghihintay ng mga bibili sa kanyang paninda.


Ayon sa The Philippine Star, nakita raw umano ni Carlos ang matanda nang bumili sila sa ardo Public Market, Cebu City.



Naisipan niyang ibahagi ang larawan ng lolo upang maihingi ito ng tulong dahil kitang-kita naman na ang pagod sa kanyang paghahanapbuhay.


Sa ulat ng Cebu Daily News, Semion pala umano ang pangalan ng matanda na dati na umano nilang naiulat noong naghahanap ito ng matitirahan.


Ngayon, nakikitira na siya sa kanyang kapatid at upang makatulong sa pang-araw araw na gastusin ay naglalako ito ng ice drop.


Dagdag pa ni Carlos, hirap nang maglakad ang lolo kaya naman hindi nakapagtatakang makaidlip ito nang pansumandaling nagpahinga.




Nalaman din umano ng netizen na mabait ang tinderong ito dahil nagagawa nitong ipamigay ang kanyang paninda sa mga bata kung hindi na ito mabenta sa isang araw.


Ayaw maging pabigat ng matanda sa kanyang pamilya kaya naman kahit na mahirap para sa kanya, tuloy pa rin ang kanyang pagkayod ayon sa News5.

Powered by Blogger.