60-anyos na sumasayaw sa gitna ng kalsada, nasawi matapos mahagip ng motorsiklo



Malagim na trahedya ang sinapit ng 60-anyos na si Raol Mandaget matapos siyang mahagip ng minamanehong motorsiklo ni Joviemar Caybot noong Bagong Taon.


Nalaman ng Trending Bytes na nakunan pa umano ng video ang pagsasayaw ni Mandaget sa gitna ng kalsada sa Davao City.


Ayon pa sa ulat, nagkakasiyahan ang ilang mga tao sa kalsada bilang pagsalubong sa bagong taon.


Makikita rin sa viral video na hindi lamang ni Mandaget ang sumasayaw sa gitna ng kasada ngunit ito ang nahagip ng humaharurot na motor ng 21-anyos na si Caybot.



Napakabilis ng pangyayari na sa ilang segundo lamang ay nawala si Mandaget sa pwesto niya kung saan siya sumasayaw. Iyon pala'y nahagip at nakaladkad na ni Caybot na patay din sa naturang insidente.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis sa highway ng Barangay Calinan Proper kung saan naganap ang aksidente, wala pa umanong helmet ang nasawing nagmamaneho ng motor.


Magsilbing babala ito sa publiko na maging maingat sa anumang oras at pagkakataon upang hindi matulad sa naganp na aksidenteng ito na maaari pa sanang maiwasan.

Powered by Blogger.