Raffy Tulfo, nagbigay ng update sa kaso laban kay Jonel Nuezca



Nagbigay ng update si Raffy Tulfo ukol sa pag-usad ng kasong isinampa sa pulis na si Jonel Nuezca, ang suspek sa pamamaslang sa kanyang mga kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.


Nalaman ng Trending Bytes na nagpadala umano si Tulfo ng kanyang staff upang aktwal na masaksihan ang unang hearing sa kasong isinampa ng pamilya Gregorio laban kay Nuezca.


Nakapanayam din ni Tulfo ang inirekomenda niyang abogado sa pamilya Gregorio na siya na ngayong humahawak sa kaso na si Atty. Freddie Villamor.


Ayon sa abogado, habang sila ay nasa korte gayundin ang ilang kaanak ng Gregorio at mga saksi, hindi naman nakadalo ang akusado dahil kasalukuyan pa itong naka-quarantine.



Naisagawa ang hearing sa pamamagitan ng video call at doon na rin binasahan ng demanda sa kanya na 2 counts ng murder. Nag-plea pa umano ito ng 'not gulity.'


Sa Pebrero 4 ang susunod na hearing at inaasahang makakadalo na ito sa mismong korte.


Doon na rin ihaharap ng abogado ang primary complainant na si Florentino Gregorio, ang asawa ni Sonia at ama naman ni Frank. Ihahain na rin nila sa araw na iyon ang mga ebidensya nilang susuporta sa kaso.


Pagbibigay linaw naman ng isa sa mga anak ni Sonia na si Mark Christian Greogorio, buo na ang desisyon ng kumuha ng video gayundin ng mga magulang nito na tumestigo upang mabigyang tibay ito laban sa akusado.


Nagpasalamat din ang pamilya ni Gregorio sa kanilang Idol Raffy na napakalaki umano ng tulong na naibigay sa kanila lalo na sa pagkamit ng hustisya para sa karumal-dumal na pagkamatay nina Sonia at Frank.


Narito ang kabuuan ng mga panayam sa unang bahagi ng Wanted sa Radyo:

Powered by Blogger.