Bikini photo ni Geneva pang-asar sa 2 babaeng bashers: Sana makatulog kayo nang mahimbing



Muling ibinandera ng OPM singer ang kanyang kaseksihan (sa edad na 44) sa social media na pinusuan at ni-like ng kanyang IG followers, kabilang na ang mga nanay na humahanga sa pagiging hot mama niya.


Makikita sa IG post ni Geneva ang dalawang seksing litrato suot ang kanyang green and white polka dot bikini. Ang caption na iniligay niya rito ay para raw sa kanyang mga hater.


“For those two women who can’t stand it whenever I show some skin… Hope you sleep good tonight.


“Focus on the stretch marks and the loose skin on my belly, maybe that will make you both feel better about yourselves,” ang mensahe ng singer.




Kung matatandaan, bago mag-Bagong Taon, nagbahagi rin ang dating member ng iconic OPM group na Smokey Mountain ng kanyang yellow swimsuit photo na umani rin ng mga positibong comments mula sa netizen.


Pero as usual, may ilan pa ring bashers ang nang-okray at nanglait sa katawan ni Geneva. May nagkomento pa nga na kung kailan daw siya tumanda ay saka pa siya nagbibilad ng katawan sa socmed.


Recently lang ay sinupalpal niya ang isang netizen na tinawag niyang ignorante, “One ignorant woman on Facebook commented, and sabi n’ya, ‘Don’t sing anymore kasi ang tanda mo na!’ (What?!?! May age limit pala ang pagkanta! Lol).


“Sabi ko, ‘You sound so smart when you’re not talking, so please… don’t open your mouth and quit embarrassing yourself.’


“Someday, that person, who is only 10 years younger than me (according to Facebook), will get older too. Wish ko lang sana when she gets to my age, kalahati man lang ng itsura ko ay makamit n’ya, which I doubt! Haha!


“Pasensya na kasi pinaka ayoko sa lahat ‘yung nagmamarunong pero walang laman ‘yung ulo, pati puso wala rin. Bullies irritate me,” bwelta pa ni Geneva.

Powered by Blogger.