Billy Jack Sanchez, hinamon si Erwin Tulfo ng IQ test



Galit na galit at napamura si Billy Jack Sanchez habang inilalabas ang kanyang saloobin matapos talakayin ni Erwin Tulfo ang tungkol sa viral na video nito na nahuli at nasita ng mga otoridad dahil sa hindi nakasuot ng helmet ang kanyang angkas.


Hinamon ni Sanchez si Tulfo na sumailalim sila sa IQ test at pagsusuri upang matukoy kung gumagamit nga siya ng pinagbabawal na gamot.



Dagdag pa niya, pag nag-negatibo umano siya sa paggamit ng bawal na gamot, isara na ni Tulfo ang programa niya.


Iginiit niyang nagbago na siya kaya hindi umano tama na siraan siya sa pamamagitan ng pagbalik ng kaso niya noong nakaraan mga taon.


Bukod sa IQ test ay hinamon niya rin ng Psychological test ang news anchor.


Bahagi niya, dalawa ang trabaho niya para makapagbagong buhay kaya hindi niya deserve ang ginagawa sa kanya. Nagpakatotoo lang umano siya nang mahuli siya at ibinahagi niya lang ang kanyang saloobin.


Ipinakita niya pa ang kanyang katawan para ipakita na maganda umano ito na nagpapatunay na hindi daw siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.


Panoorin ang videos dito:

Powered by Blogger.