Binunyag ang dahilan ng paghihiwalay! Toni Fowler at Rob Moya, nagkabalikan na



Ikinatuwa ng mga tagahanga at tagasuporta ng Toro Family ang balitang nagkaayos na at nagkabalikan sina Toni Fowler at ang aktor na si Rob Moya.


Matapos ibahagi ni Toni na single na siya ay nakapag-usap sila ni Rob at napagpasyahang aayusin nila ang kanilang relasyon.


Ibinahagi din ni Toni ang dahilan ng kanilang pagkakalabuan ni Rob.


Ayon kay Toni, dumating sa punto na palaging abala si Rob at nagkulang ito ng oras sa kanya at sa kanilang pamilya.




Sa kanyang kalungkutan ay palagi umanong nandoon para sa kanya ang kasamahan nilang kilala sa tawag na "Tito Vince." Dito na unti-unti umanong nakaramdam si Toni na unti-unting nahuhulog ang loob niya kay Vince.


Dahil gusto niya pa ring ayusin ang relasyon nila ni Rob ay pinagtapat niya umano ito noon kay Rob at humiling na tulungan siyang ayusin nila ang kanilang relasyon.


Gayunpaman, hindi sila kaagad nagkaayos at umabot sila sa puntong palagi na lang sila nag-aaway habang sinusubukang ayusin ang pagsasama.


Ikinuwento pa ni Toni na maging ang kaibigan nilang vlogger din na si "Makagago" ay tumulong para pag-ayusin sila.

Powered by Blogger.