Crisha Uy, ibinahagi ang saloobin tungkol sa isyu nila ng ex na si Joem Bascon



Matapos ma-tag at mabanggit sa mga artikulo kaugnay sa pagkakaroon ng anak ng ex-boyfriend na si Joem Bascon sa aktres na si Meryll Soriano, napagpasyahan ni Crisha Uy na magsalita na sa huling pagkakataon tungkol sa isyung ito.


Dagdag pa niya, muling bumalik sa kanya yung galit nang mabasa niya ang mga lumabas na balita tungkol sa kanyang ex.


"Reading the article. When I was reading the article yung naramdaman ko that day was nagalit ako. Nagalit ako kasi bumalik yung feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala yung feeling na nakita mo vs kinuwento or tsinika lang sa iyo parang feeling ko kasi Kailangan ko ilabas yung naramdaman ko that day na... yung galit ko, yung sakit na yun kung ano man ang naramdaman ko that day but hindi dahil mahal ko pa siya kundi you know ahm.. Kasi nakamove on na ako eh."



Aniya, matagal na niyang alam ang tungkol sa relasyon nila Joem at Meryll kaya lang iba pala talaga umano nang makumpirma niya ang kanyang hinala noon.


"Finally, finally na confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon. That i was lied to na, kasi I gave them a benefit of doubt eh! before pero yun nga sampal pala sa mukha nung nakita ko yun. Sampal sa mukha na tama pala ang hinala ko noon finally girl confirmed ganun, ganun yung feeling."


Nilinaw niya rin na walang katotohanang na depress siya dahil sa paghihiwalay nila ni Joem.


Tungkol naman umano sa tiktok video niya na iniugnay ng mga netizens sa lumabas na balita tungkol sa relasyong Meryll at Joem, sinabi niyang wala umanong kaugnayan iyong mga video niya sa nangyari.


Kagaya ng ibang celebrities na gumagawa lamang ng mga tiktok hugot videos, yun lang din umano ang ginawa niya kaya hindi daw dapat lagyan ng ibang kahulugan.

Powered by Blogger.