Donita Nose, napatili sa kilig sa pag-amin ng dating asawa ni Super Tekla



Sa isang video para sa pagdiriwang ng bagong taon, magkasamang kumain sina Donita Nose, Super Tekla at ang mag-inang Aira at Airene. Si Airene ang dating karelasyon ni Tekla at ina ni Aira.


Kwento ni Donita, nasaksihan niya kung gaano naging matiyaga at maasikasong partner noon si Airene sa kaibigan noong hindi pa sila naghiwalay.


Ilan sa mga napag-usapan nila ay ang dahilan ng kanilang paghihiwalay noon.


Aminado naman si Tekla na siya umano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay noon.



Para sa anak nilang si Aira, gusto niyang magkabalikan ang kanyang mga magulang. Gayunpaman, nilinaw nilang magkaibigan na lamang sila at masaya silang maayos ang kanilang samahan para maibigay nila ang mga pangangailangan ni Aira.


Pinasalamatan ni Airene si Tekla dahil sa paghanap umano nito ng paraan para makapag-reach out sa kanila sa kabila ng kanilang paghihiwalay noon.


Pinasalamatan din ni Tekla si Airene na hindi nito hinayaang madama ng anak nila ang kanyang pagkukulang bilang ama.


Matapos naman hipan ang cake para sa kanyang kaarawan, isang pag-amin ang binitawan ni Airene na dahilan para mapatayo at kiligin si Donita.


Inamin nitong na-mi-miss niya minsan si Tekla.

Powered by Blogger.