Donita Nose, umalma sa pambabatikos matapos niyang ipakita ang bagong bahay



Nilinaw ni Donita Nose kung paano niya nakamit ang pinangarap na bahay para sa kanyang pamilya kasunod ng panghuhusga at pambabatikos ng ilang netizens sa kanya.


Sa isang Facebook post ay sinabi ni Donita na taong 2019 pa niya sinimulan ang paghuhulog sa bahay. Gayunpaman, dahil nagkaroon ng pandemya at maraming trabaho ang apektado kabilang na ang trabaho niya, nahinto siya sa paghuhulog.


Ibinahagi ni Donita ang ilang komento ng netizens kung saan hinuhusgahan siyang ginamit lamang ang pagkakaroon niya ng COVID para magka pera.






Matatandaang may ilang mga kilalang personalidad ang tumulong sa kanya sa kanyang hospital bills nang tamaan siya ng COVID.


Paliwanag pa ni Donita, matapos mabigyan ng panibagong oportunidad sa YouTube dahil sa paglago ng Channel nila ni Super Tekla, saka lamang niya naituloy ang kanyang paghulog sa nasabing bahay.




Nilinaw din niyang hindi pa siya tapos sa paghuhulog at hindi pa niya malilipatan kaagad dahil wala pang mga gamit. Pagsisikapan pa muna uli niyang maipundar ang mga kakailanganing gamit sa bagong bahay.


Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na Donekla.

Powered by Blogger.