Jonel Nuezca, naghain agad ng 'not guilty plea' sa unang hearing ng kanyang kaso



Naganap na ang preliminary conference at arraignment sa kaso ni Jonel Nuezca ang pulis na umano'y kumitil sa buhay ng mag-inang Sonia at Gregorio.


Nalaman ng Trending Bytes na nagbigay ng update ang private lawyer na inirekomenda ni Raffy Tulfo sa pamilya Gregorio na si Atty. Freddie Villamor sa mga kaganapan sa unang hearing ng kaso laban kay Nuezca noong Enero 8.


"Ngayong umaga kinonduct po ng court with presiding judge Asuncion, brach 57 ng RTC Paniqui, Tarlac ang arraignment at preliminary conference sa kaso," pagkumpirma ni Atty. Villamor.


Nabasahan na rin umano si Nuezca ng kanyang kaso na two counts of murder. Isinagawa ito sa pamamagitan ng video call sapagkat hindi ito nakasipot mismo sa korte.



Kasalukuyan umanong naka-quarantine ang suspek na agad namang naghain ng 'not guilty'.


Wala ring sariling abogado si Nuezca kaya naman in-appoint ng korte ang Public Attorney's Office o PAO para tumayong abogado nito.


21 days ang itatagal ng quarantine ni Nuezca na kasalukuyang nasa BJMP Detention center.


Inaasahang namang makadadalo na ito ng susunod ng hearing nagaganapin sa Pebrero 4.


Sa nasabing araw, ipe-presenta na rin umano si Florentino Gregorio ang asawa ni Sonia at ama ni Frank bilang private complainant para sa mag-ina niya.


Ang kampo rin ng biktima ang maghahain ng mga ebidensya sa susunod na hearing na kanila na ngayong paghahandaan.


Samantala, nakausap din ni Tulfo ang isa sa mga anak ni Sonia na si Mark Christian Gregorio. Nilinaw nito na buo na ang desisyon ng mga magulang at tagapag-alaga ng kumuha ng video na tumestigo ito sa korte.


Labis ding nagpasalamat si Mark sa mga tulong ni Tulfo simula pa noong burol hanggang sa ngayon na umuusad na ang kaso upang makamit nila ang hustisya para sa inang si Sonia at kapatid na si Frank.

Powered by Blogger.