Limang akusado sa Christine Dacera case, "negative" sa drúg test



Buong tapang na ipinakita ng limang akusado sa Christine Dacera case na sina Valentine Rosales, JP Dela Serna, Gregorio De Guzman, Clark Rapinan at Romel Galido ang resulta ng isinagawang drug test sa kanila.


Nalaman ng Trending Bytes na negatibo ang limang ito sa test ginawa sa kanila matapos na masangkot sa pagkamatay ng kaibigan nilang si Dacerna.


Sa Facebook page nilang 'Fund the Truth' ipinakita mismo ng lima ang aktwal na resulta ng test na magkakaibang clinic at pagamutan.


Patunay lamang daw ito na walang droga sa kanilang party noong Disyembre 31 bilang pagsalubong sa Bagong Taon.







Matatandaang binawi rin nina Dela Serna at Galido ang una nilang pahayag na nagsasabing tila mayroong powder drúg sa kanilang selebrasyon.


Ayon sa kanilang bagong salaysay, na-pressure umano sila ng pulisya na sabihin ang bagay na ito tungkol sa droga lalo na at sila ang dalawang na-detain sa Makati Police.


Nilinaw nilang wala talagang droga sa party at kinailangan lamang nila itong sabihin sa takot na hindi umano sila mapalaya kung hindi raw nila susundin ang pinasasabi sa kanila ng pulisya.

Powered by Blogger.