Mayor Isko, halos maluha sa napalayang kawatan at binigyan pa ito ng trabaho



Nag-viral ang kwento ng isang napalayang kawatan sa Maynila kung saan matapos na mapatawad ng kanyang pinagnakawan ay nabigyan pa umano ng trabaho.


Nalaman ng Trending Bytes na halos maiyak si Mayor Isko Moreno sa programa niyang Manila PIO live habang ibinabahagi ang kinahinatnan ng kaso ni Justine Trio na naaktuhan sa CCTV ang pagkuha at pagpapatakbo sa tricycle na nakaparada sa kanilang lugar noong Disyembre ng nakaraang taon.


Makalipas ang isang buwan, inihayag ni Mayor Isko na napatawad na si Justine ng pinagnakawan nito.



Nalaman din nila na kaya umano ito nagawa ng kawatan ay dahil sa nagugutom daw ang anak nito na nasa kanyang pangangalaga.


Kaya naman sa muling pagtatagpo nina Justine at anak nito, mapapansing bahagyang naging emosyonal din si Mayor Isko.


Nilinaw din ng alkalde na hindi pa rin umano dahilan ang kumakalam na sikmura ng mga anak upang makagawa ng hindi maganda.


"Maging takdang aral ito sa mga manonood na hindi pa rin dahilan na iraraos natin ang mga mahal natin sa buhay sa paggamit ng mga mararahas na pamamaraan at pang-aapi ng kapwa natin," paalala ng "Yorme" ng Maynila.


Mapalad din umano si Justine na pinatawad siya ng nagawan niya ng pagkakasala at makakapiling muli niya ang kanyang anak.


At upang hindi na rin ito muling mapariwara, binigyan na rin ni Mayor Isko ng trabaho si Justine sa DSWD ng kanilang lungsod.


"O ayan mag-social worker ka, paliwanagan mo lahat ng mga tolongges sa kalsada," pangaral ni Mayor Isko kay Justine.


Panoorin ang video dito:

Powered by Blogger.