Meryll Soriano, pinakilala ang anak kay Willie Revillame



Nakangiti ang TV host na si Willie Revillame sa bagong Instagram post na ibinahagi ni Meryll Soriano kung saan karga-karga niya ang isang sanggol.


Ito din ang baby na nauna nang ipinakita ni Meryll sa mga netizens sa kanyang pagbati sa bagong taon kung saan sinabi niyang iyon ay pagbati mula sa kanilang pamilya.


Kalakip ng nasabing pagbati ay ang litrato niya kasama sina Joem Bascon, anak na si Elija Palanca at ang bagong baby.


Sa panibagong post naman ng aktres kung saan karga ni Willie ang sanggol, "With Lolo" ang nakalagay na caption.




Lumabas ang balitang muling nagkabalikan sina Meryll at Joem noong Enero taong 2020 kung saan nagkasama sila sa teleseryeng pinabidahan ni Judy Ann Santos, ang "Starla." Una silang nagkatrabaho sa ABS-CBN television show na ‘I Love Betty La Fea’ noong 2008 kung saan sila unang nagkatrabaho at naging magkarelasyon.


Gayunpaman, Oktubre ng taong 2010 nang kumpirmahin ni Joem na hiwalay na sila ni Meryll. Naging mailap ang dalawa sa media kaugnay sa napabalitang muli nilang pagbabalikan.


Si Meryll Soriano ay ang anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano. Pamangkin siya ng batikang aktres na si Maricel Soriano. Ikinasal siya kay Bernard Palanca noong September 8, 2006. Gayunpaman, taong 2015 nang tuluyan nang na annul ang kanilang kasal. Matatandaang inamin ni Meryll ang pagkakaroon niya ng mental condition na bipolar disorder.

Powered by Blogger.