Mga tao sa Room 2207 sa Christine Dacera case, sumipot na sa NBI



Nasa 12 katao na sinasabing mula sa room 2207, ang sumipot at nagpaunlak sa imbitasyon ng National Bureau of investigation upang magbigay ng kanilang salaysay kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.


Nalaman ng Trending Bytes na ang room 2207 na ito ng City Garden Grand Hotel ay ang isa pang kwarto na makailang beses na pinuntahan ni Christine Dacera.


Kasama ng mga personalidad ng nasabing kwarto ang kani-kanilang abogado pasado alas dos ng hapon ng Enero 13.




Isa ang basketball player na si Justin Rieta sa mga dumating sa NBI. Si Justin ay nasa room 2207 ngunit sinabi niyang hindi niya kilala ang mga nasa room 2209 kung saan naka-check in si Dacera.


Nang tanungin siya ni Emil Sumangil ng Saksi kung sa tingin niya'y may krimen na nangyari, sinagot nitong wala.


Sa kabila nito, willing naman daw umano silang maki-cooperate sa imbestigasyon gayundin ang sinabi ng kanilang legal counsel.


Nagbigay ng kani-kanilang sworn statement ang mga taong ito mula sa room 2207 na sinasabing malaki rin ang maitutulong sa paglutas ng kaso.


Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Angelica Dacera sa bath tub ng room 2209 ng City Garden Grand Hotel sa Makati.

Powered by Blogger.