Nasawing PAL flight attendant nabiktima umano ng set-up; 3 suspek, nahuli na



Wala nang buhay nang dalhin sa Makati Medical Center ang 23-anyos na flight attendant ng Philippine Airlines na si Christine Dacera.


Nalaman ng Trending Bytes na biktima ito ng set-up ng mga taong kilala umano niya na umupa ng dalawang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati.


Sa inisyal na imbestigasyon, isa sa kanyang mga kasama na kapwa cabin crew na si Rommel Galida ang nakakita pa sa biktima sa bath tub na tila natutulog lamang. Nakuha pa raw niyang kumutan ang biktima at siya'y natulog muli.




Subalit nang makita muli nila ito ng mga kasama niyang sina Gregorio Angelo Rafael de Guzman, at John Dela Serna, hindi na raw nagising at wala nang malay si Dacerna.


Samantala, sa pag-usad ng imbestigasyon, napag-alamang hindi inasahan ng biktima na marami silang magpa-party nang araw na iyon.


Lumabas din na tila napainom si Dacera ng ipinagbabawal na gamot bago ito napagsamantalahan.


Hawak na ng pulisya ang tatlong suspek at sasampahan na ang mga ito ng kaso habang pinaghahanap pa ang walo sa kanilang mga kasamahan.


Narito ang kabuuan ng ulat mula sa GMA News:

Powered by Blogger.