PAL flight attendant, natagpuang patay sa isang hotel room sa Makati



Isang flight attendant ng Philippine Airlines ang natagpuang patay sa isang hotel room sa Poblacion, Makati City, ayon sa report ng Pilipino Star Ngayon.


Si Christine Angelica Dacera, 23, ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, at John Dela Serna lagpas hating gabi ng Enero 1.


Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galida na nagising siya ng 10:00 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan nya ito at natulog siyang muli.




Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galida at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.


Ayon sa ABS-CBN News, dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.


Mayroong mga sugat sa katawan at hematoma ang katawan ni Dacera, base sa initial investigation. Tinutukoy pa kung may drugs at alcohol na ininom si Dacera pero aneurysm daw ang secondary cause ng kanyang pagkamatay.




Hindi pa alam ang primary cause ng death at iimbestigahan din kung may pang-gagahasa bang nangyari.


Si Christine Angelica Dacera ay isang residente ng Block 21, Lot 1, VS Home Subdivision Barangay San Isidro, General Santos City, South Cotabato. Isa rin siyang Philippine Airlines stewardess na pumanaw noong Enero 1.

Powered by Blogger.