Rob Moya, ibinahagi ang sakit na dinanas sa paghihiwalay nila ni Toni Fowler



Hindi maitago ni Rob Moya na apektado siya sa paghihiwalay nila ng ka-live-in niyang si Toni Fowler. Sa kanyang social media accounts ay panay ang pagbabahagi niya ng kanyang mga hugot sa kasalukuyang nangyayari sa kanila.


Matapos tahasang aminin ni Toni na single na siya, pinalitan na rin ng aktor ang kanyang status sa kanyang Facebook.



Sa kanyang Instagram Story kamakailan ay pinahiwatig niyang dinadaan niya sa pag-inom ng alak ang kanyang problema.


Samantala, bago tuluyang maghiwalay ay matatandaang sinabi ni Toni na sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon.


Gayunpaman, tila natuluyan nang maghiwalay ang dalawa at hindi na rin nakikita sa mga vlog ni Toni si Rob.



Nakilala ang tambalang Rob at Toni matapos masangkot ni Toni sa eskadalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez.


Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at Rob hanggang sa unti-unting lumaki ang kanilang pamilya na kinabilangan ng malalapit nilang kaibigan at kamag-anak. Kilala sila sa tawag na Toro Family.

Powered by Blogger.