Rob Moya, tuluyan nang lumipat ng bahay matapos nilang maghiwalay ni Toni Fowler



Tuluyan nang nagkahiwalay sina Rob Moya at ang vlogger na si Toni Fowler matapos subukang ayusin ang kanilang pagsasama.


SA isang vlog ni Rob ay pinakita niya ang kaganapan sa kanyang paglipat ng bahay. Tinulungan pa siyang mag-empake ni Toni at wala pa umanong ibang nakarelasyon si Rob na gumawa niyon sa kanya.


Aminado naman si Toni na mahal pa talaga niya si Rob ngunit napagkasunduan nilang pareho na maghiwalay na lang sila dahil sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan.



Hindi naman napigilang maiyak ni Toni habang nag-uusap sila ni Rob at sinabi nitong sa huling pagkakataon ay magsayaw sila.


Tumanggi naman si Toni dahil nahihirapan na daw siya sa kanilang sitwasyon na iginalang naman ni Rob at inihingi ng patawad ang kanyang nagawa at pagkukulang kay Toni.


Patuloy naman na umaasa ang mga tagasuporta ng dalawa na sana a magkabalikan sila. May mga patuloy na umaasa na sana ay isa lamang ito sa mga video na scripted at prank lang.


Nakilala ang tambalang Rob at Toni matapos masangkot ni Toni sa eskadalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at Rob hanggang sa unti-unting lumaki ang kanilang pamilya na kinabilangan ng malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.


Kilala sila sa tawag na Toro Family. Si Toni Fowler ay unang nakilala sa social media bilang isa sa mga RBreezy girls.

Powered by Blogger.