Willie Revillame, naiyak sa 60th birthday celebration niya sa 'Wowowin'



Emosyonal si Wille Revillame sa pagdiriwang niya ng ika-60 kaarawan sa kanyang programang "Tutok to win sa Wowowin" ngayong Enero 27.


Nalaman ng Trending Bytes na talagang naiyak si Willie dahil nais na niyang matapos ang pandemya at makapiling muli ang kanyang mga studio audience.


"Sana ho bumalik na tayo sa normal, bumalik na kami sa studio at makasama na namin kayo ulit," naluluhang sinabi ni Willie.



Bilang pag-iingat kasi sa COVID-19 ay pinagbawalan pa rin ang live studio audience sa mga programang tulad ng 'Wowowin.'


Labis na nalulungkot si Willie dahil sa namimiss na niya ang mga supporters niya na nakakapiling niya bilang studio audience lalong lalo na raw ang mga lola, mag-ina at maging ang batang may special needs.


"Kayo ho ang nagdala sa akin dito. Gusto kong ibalik ito sa inyo lahat," paliwanag pa ni 'Kuya Wil'.


"Balewala po ang materyales sa buhay ko, sana Lord matapos na itong pandemyang ito para makabalik na kami, makapagpasaya na kami araw-araw,"


"Lord thank you so much ginawa niyo akong tulay sa mga taong malulungkot at may pangangailangan. 60 years old na po ako. sana another 60 years para magbigay pa ako ng saya at tulong," dalangin ng TV host.


Narito ang kabuuan ng video:

Powered by Blogger.