Ian Veneracion, napaamin ni Bea Alonzo sa kanyang pagiging seloso



Muling pinakilig nina Ian Veneracion at Bea Alonzo ang mga tagahanga ng TonDeng tandem sa kanilang dinner date na ibinahagi ni Bea sa kanyang YouTube channel.


Kahit matagal nang natapos ang teleseryeng "A Love to Last," marami pa rin ang kinikilig sa tamabalan nilang dalawa.


Aminado naman si Bea na hinahangaan niya si Ian lalo na sa pagiging ama nito sa kanyang mga anak.


Aminado si Ian na seloso siya samantalang hindi naman umano selosa si Bea. Nagkunwari pa siya umano dati na nagseselos siya.




Tinuturing ni Ian na best decision ng buhay niya na nagpakasal siya ng maaga dahil pinakapaborito niyang role ang pagiging tatay.


Sagot ni Ian, dapat magkaanak siya pero kahit huwag na siya magpakasal.


Naibahagi niya ring hindi niya inasahan na isa siya sa mahuhuling mag-asawa sa mga kaedaran niya. Kasunod nito ay tinanong niya si Ian kung sa tingin nito ay dapat magpakasal si Bea.


Pinaalala ni Ian ang kanilang naging usapan noon na kapag umabot siya ng 33 at wala pa rin siyang anak ay manghihingi sila ng donation mula sa mga lalaking gusto niya yung genes at bubunit siya kung sino pipiliin para maging ama ng kanyang magiging anak.

Powered by Blogger.