Kylie Padilla, nais muna makapagpahinga at mapagtuunan ang sarili



Sa gitna ng mga isyung ipinupukol sa pagsasama nila ng asawang si Aljur Abrenica, nanatiling tikom ang bibig ni Kylie tungkol sa napapabalitang pagkakaroon nila ng problemang mag-asawa.


Gayunpaman, dahil sa kanyang mga post na binigyang kahulugan ng karamihan, lumalabas na nagkaayos na ang mag-asawa matapos ang tampuhan.



Sa isang ulat ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras", ilang malalapit sa aktres ang umano'y nagbahagi ng ilang detalye.


Ayon sa nasabing ulat, humihingi muna ng panahon si Kylie Padilla para makapagpahinga at mapagtuunan ang kaniyang sarili pagnatapos niya na ang lahat ng kanyang mga commitments at endorsement.


Ayon pa sa source na malapit sa actres, nagpunta umano si Kylie at ang kaniyang mga anak sa bahay ng amang si Robin Padilla, pati sa Pampanga sa kapatid ng kaniyang ina nitong mga nakaraang araw para magbakasyon.


Aminado umano si Kylie na hindi madali para sa kanya ang maging hands-on mommy para sa dalawang anak nila ni Aljur.


Si Kylie Padilla ay isang Kapuso artist na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan.

Powered by Blogger.