Mayor Sara Duterte nanindigang hindi tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022



Sinabi ni Mayor Sara Duterte na hindi pa rin nagbabago ang pasya niya na hindi tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa eleksyon 2022.


Nitong Lunes, ika-22 ng Pebrero, ay nagpaunlak ng panayam ang alkalde sa Special Hour ng Davao City Disaster Radio. Ayon kay Mayor Sara, sigurado siyang hindi tatakbo sa pagka-pangulo sa kabila ng pag-uudyok sa kanya ng mga taga-suporta.


Matatandaang nanguna sa survey ang Davao City mayor sa mga gusto ng mamamayan na maging susunod na pangulo.



“Naghatag na man ko sa akoang comment about it and wala man sya naga-change. Tingali siguro ang mga tao, because wala koy ginahatag na rason kung nganong dili ko gusto modagan pagkapangulo, sa ilahang tan-aw siguro there is this chance nga tingali magbag-o akoang huna-huna or wala ko nagsulti og tinood.”


“(Nagbigay na ako ng komento tungkol diyan. Hindi iyon nagbago. Siguro dahil hindi ako nagbibigay ng dahilan kung bakit ayaw kung tumakbo sa pagka-Presidente ay inaakala ng mga tao na baka magbago pa ang isip ko o nagsisinungaling lang ako.)”


Pinasalamatan pa rin ng alkalde ang kanyang mga taga-suporta dahil sa kanilang tiwala at kumpiyansa sa kanya.


“So, ang akoa na lang ginasulti pirmi is nagapasalamat ko sa ilahang trust and confidence sa akoa and nagapasalamat ko sa ilahang suporta sa akoa but I already answered that.”


“(Ang lagi kong sinasabi sa kanila ay nagpapasalamat ako para sa kanilang tiwala at kumpiyansa sa akin at nagpapasalamat ako sa kanilang suporta sa akin pero sinagot ko na ‘yan.)”



Nanindigan si Duterte na hindi magbabago ang pasya niya sa ngayon. Sinabi rin niya na hindi siya magbibigay ng mga dahilan kung bakit dahil marami raw ito. Ayaw rin daw niya na makasakit o maka-offend sa ibang tao.


Hinihinala ng iba na may kinalaman dito ang pahayag ng kanyang ama na hindi pambabae ang pinaka-mataas na posisyon sa gobyerno. Nagpa-alala rin ang alkalde sa kanyang mga taga-suporta tungkol sa pagpo-post ng mga tarpaulin at billboards para sa kanya. Gusto niyang tanggalin ang mga ito.


“Let me know kung asa ang area para matanggal nato and mabalik sa tag-iya”


“(Ipaalam niyo sa akin kung nasaan ang mga iyan upang matanggal natin at maibalik sa may-ari.)”

Powered by Blogger.