'No script' ang palitan ng linya ng JoshLia ayon sa gumanap na pari sa MV ng "Paubaya"



Eksaktong Araw ng mga Puso ay pinaluha nina Julia Barretto at Joshua Garcia ang maraming Pilipino dahil sa kanilang pagganap sa music video ng kantang "Paubaya" ni Moira Dela Torre.


Nalaman ng Trending Bytes na ang pari na gumanap sa nasabing music video na si Donal Lapez ay naibahaging maging sila ay naiyak sa tagos sa pusong eksena ng tambalang 'JoshLia.'



Sa kanyang social media post, ikinuwento niya ang pangyayari kung paano kinunan ang nakakadurog ng pusong eksena ng 'JoshLia."


Sinabi nitong walang script, at tanging sina Julia at Joshua, direktor at cameraman pati si Moira ang natira sa simbahan kung saan kinunan ang eksena.


"No script, just pure words of forgiveness ang love" ang paglalarawan pa ni Donald sa eksenang nagpaluha sa marami.



Kaya naman hindi nakapagtatakang marami ang nakapansin na tila totoong-totoo ang mga luha at mga binitawang salita ng dalawa para sa isa't isa lalo na at "Josh" pa rin ang pangalan ni Joshua sa music video.


Nagpasalamat din si Donald na isang hair and makeup artist at pinili siya ni Moira upang gumanap na pari sa music video na makalipas lamang ang isang araw ay mayroon nang mahigit 7 million views.



Pebrero 14 nang inilabas ang official music video ng "Paubaya" ang pinakabagong kanta ni Moira Dela Torre.


Fans man o hindi ng JoshLia ay napaiyak at nadala sa bawat eksena ng dalawa na tugmang-tugma sa nasabing kanta.


Ibinahagi rin nina Joshua Garcia at Julia sa kani-kanilang Instagram ang mga behind-the-scenes ng kanilang pagbabalik tambalan sa music video.

Powered by Blogger.