OFW na pauwi na sa Marso, pinabaunan ng mamahaling regalo ng amo



Masasabing masuwerte ang OFW na si Mai Pionelo Dpcrtl dahil sa nagkaroon siya ng maayos at mabuting amo sa Saudi Arabia.


Ibinahagi ni Mai sa Trending Bytes na papauwi na siya sa Marso matapos ang limang taon paninilbihan sa ibang bansa.


Kwento pa ni Mai, tila pinabaunan siya ng kanyang amo ng mamahaling singsing at ito raw ang unang beses na nakatanggap siya ng regalo mula rito.



Naiiyak pa raw ang amo niya habang iniaabot ang regalo dahil na rin alam nitong aalis na si Mai sa kanila.


Subalit sa kabila ng mga ito, mayroon pa ring pamilya si Mai na naghihintay sa kanya kaya naman wala nang makapipigil pa sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.


Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na naibahagi sa Trending Bytes:


"From Roxas City Capiz po ako, single mom may isang anak. Nag-abroad ako para sa future ng anak ko at makapag-provide sa magulang at mapag-aral ang mga kapatid.


Pagdating ko dito sa Saudi, di agad ako napunta sa employer ko. Nag-stay pa ako ng 3 days sa shelter kasama ng mga distress OFW, 1week sa agency.




Hanggang sa nakuha ako ng amo ko. Hindi naging madali may mga araw na gusto ko na sumuko pero pag naaalala ko ang mga dahilan kaya ako umalis ng bansa, nagiging malakas ulit ako at nagpapatuloy sa buhay.


Last year uuwi na sana ako, pero nagpandemic at nagka-cancer madam ko. Kaya hindi ako nakauwi dahil nahirapan din akong iwanan siyang may sakit.


Ngayong okay na siya kahit hirap silang bitawan ako kailangan ko na din umuwi para sa pamilya ko."

Powered by Blogger.