Dalubhasa sa batas, siniyasat ang nalabag ni Ivana Alawi sa viral video nito



Pinaliwanag ni Atty. Libayan sa kanyang mga viewers ang nilabag na batas ni Ivana Alawi sa kanyang viral video kung saan nagpanggap siyang pulubi, nanghingi ng limos at nagbigay ng gantimpala sa mga taong nagbigay ng tulong sa kanya.


Ani Atty., ipinagbabawal sa batas ang pagbibigay ng limos sa ilalim ng Anti Mendicancy law. Sa kabila ng magandang hangarin ni Ivana na makatulong, pinopromote umano nito ang pagbibigay ng limos.


Dagdag pa ni Atty., hindi masamang tumulong ngunit dapat ay nasa tamang paraan at hindi lumabag sa batas.



Matapos niyang ipaliwanag ang tungkol sa nalabag na batas, marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang opinyon at hindi pagsang-ayon sa sinabi ng abogado.


Gayunpaman, katwiran ni Atty., hindi iyon tungkol sa nararamdaman lang ng tao kundi base iyon sa batas.


Sinagot niya rin ang pagkuwestiyon sa kanya ng ilang netizens kung bakit sa lahat ng vloggers na gumagawa nito ay si Ivana ang kanyang ginawan ng video.


Katwiran niya, bilang isang influencer na marami ang subscribers, marami umano ang maaring maimpluwensiyahan ni Ivana kaya napili niyang himayin ang viral video nito.


Si Atty. Libayan ay nagbabahagi ng kanyang kaalaman tungkol sa batas sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel na BATASnatin.


Panoorin ang videos dito:

Powered by Blogger.