Derek Ramsay, sinabing si Ellen Adarna na ang "the one" para sa kanya



Isang maiksing bahagi ng panayam kay Derek Ramsay ang ibinahagi ng online news magazine na Mega Entertainment sa kanilang social media account.


Dito maririnig ang boses ng aktor na nagsasabing "I think she's the one. And I say it's gonna happen quick, like no joke."


Nakatakdang ilabas ng MEGA Entertainment ang kanilang panayam kay Derek ngayong March 1, Alas 12 ng tanghali. Dito ibinahagi ni Derek ang tungkol sa kanyang umuusbong na bagong pag-ibig.




Matatandaang kamakailan ay inamin na nila Derek at Ellen ang kanilang relasyon kasunod ng mga nakakaintrigang larawan nila na ibinahagi sa social media.


Parehas na walang sabit sila Ellen at Derek. Matagal nang hiwalay si Ellen at John Lloyd Cruz at maging si Derek ay hiwalay na rin sa aktres na si Andrea Torres.


Matapos ang paghihiwalay nina Derek at Andrea, hindi na masyadong nagbigay ng komento ang aktres tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Derek na kanyang naging boyfriend sa loob ng isang taon.


Si Derek Ramsay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Powered by Blogger.