Jelai Andres, pinadalhan ng pera ang netizen na nang-bash sa kanya



Marami ang naaliw sa naging tugon ni Jelai Andres sa pambabatikos ng isang netizen sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdadaanan.


Hinusgahan siya nito at inakusahang gumagawa na lang ng isyu para mapag-usapan at kaawaan ng tao at para dumami pa ang manood sa vlog nito.



Agad na sinagot ni Jelai ang netizen at ibinahagi ang kanyang katwiran sa mga akusasyon nito. Gayunpaman, imbes na balikan ng masasakit na salita, ikinabigla ng nasabing netizen na hiningi ni Jelai ang kanyang Gcash number dahil papadlhan nya umano ito ng pera dahil baka gutom lang daw ito.


Biglang kambyo naman ang tono ng pananalita ng netizen at todo-todo ang pasalamat kay Jelai. Makikita sa screenshot na ibinahagi sa Facebook ang transaction ng pagpapadala nito ng pera. Pinadalhan niya ng 3,000 aang basher niya.






Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nagviral sa Facebook.

Powered by Blogger.