Pinay OFW, huli sa akto ng kanyang amo hakbang ninanakaw ang itinabi nilang pera



Isang Pinay na domestic helper ang nahuli ng kanyang amo sa pagnanakaw ng pera upang ibigay sa kanyang mga anak sa Pilipinas. Inamin niya rin sa kanyang amo na hindi ito ang unang pagkakataon na ito'y kanyang ginawa kundi sampung beses na.


Sa video, ang employer ay maaaring marinig na nagtatanong kung ang domestic helper ay nagnanakaw ng pera sa kanila. Inamin niya ito at sinabing ito ang pang-sambung beses na kumuha siya ng pera mula sa kanila upang ipadala para sa kanyang anak sa Pilipinas.


Sinabi ng Pinay na kumuha siya ng 1000 ngunit hindi pa malinaw kung anong 'currency' ito. Patuloy siyang humihingi ng tawad habang umiiyak ngunit tumawag na ng pulis ang kanyang amo.


Ito ay dapat na magsilbing aral at paalala sa lahat ng mga Pilipino OFW's na nagtatrabaho sa ibang bansa na huwag basta basta kunin ang hindi sa iyo dahil hindi biro ang mga parusa ng mahuhuling magnanakaw sa ibang bansa.


Ang pagkakakilanlan ng mga Pinay ay hindi nabanggit sa video. Hindi rin nabanggit kung siya ay ipinadala sa kulungan o bumalik sa Pilipinas.


Sa kabilang banda, ang mga Netizens, ay inaasahan na pinauwi lamang siya ng kanyang amo at hindi sa mga pulis. Sinabi rin ng isang netizen na ang mga kamag-anak sa Pilipinas ay dapat maging mas maingat kapag humihingi ng pera sa kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa dahil hindi biro ang hirap na kanilang dinadanas para kumita ng pera.


Panoorin ang video dito:

Powered by Blogger.