Tahanan ng naiwang pamilya nina Sonia at Frank Gregorio, napatapos na ni Raffy Tulfo



Talagang umaapaw ang suporta ni Raffy Tulfo sa naiwang pamilya nina Sonia at Frank Gregorio na napaslang umano ng dating pulis na si Jonel Nuezca bago matapos ang taong 2020.


Nalaman ng Trending Bytes na kamakailan ay napatapos na ng pamilya Gregorio ang kanilang tahanan sa tulong ni Tulfo.


Nang kumustahin ng staff ni Tulfo ang pamilya Gregorio, ipinakita ng mister ni Sonia na si Florentino ang bagong bihis nilang tahanan na talaga namang malaki na ang ipinagbago buhat nang mangyari ang karahasan sa kanyang misis at anak.



Ipinasilip ni Tatay Florentino ang bawat silid sa kanilang bahay kung saan kasama pa rin niya ang kanyang mga anak.


Maging ang kwarto sana ng yumaong anak na si Frank ay inayos pa rin ng pamilya at isa sa mga kapatid na niya ang tutuloy rito.


Pinabendisyunan na rin sa pari ang bahay upang patuloy na mamuhay ng matiwasay ang kanilang pamilya sa kabila ng sinapit na trahedya.


Maging ang negosyo na ipinangako ni Tulfo para sa pamilya Gregorio ay naipagkaloob na rin niya.


Labis na nagpapasalamat ang mga naiwang kaanak nina Sonia at Frank kay Tulfo sa lahat ng tulong at suportang ibinigay nito sa kanila mula noong burol hanggang ngayon na patuloy na umuusad ang kaso.


Nangako naman ang programa ni Tulfo na tututok pa rin sila sa kaso laban kay Nuezca hanggang sa makamit na ng pamilya Gregorio ang inaasam nilang hustisya para sa mag-inang sina Sonia at Frank.

Powered by Blogger.