Tanod na nanita sa Grab rider dahil 'di raw "essential goods" ang lugaw, viral



Agaw eksena ngayon sa social media ang viral video ng Grab rider na nahuli dahil umano sa curfew.


Nalaman ng Trending Bytes na "lugaw" ang ide-deliver umano ng rider ngunit "lampas" na raw ito sa itinalagang curfew na 6pm hanggang 5pm.


Isa umanong babaeng tanod ang kumausap sa rider at nagpakita pa ng memorandum patungkol sa pinatutupad na curfew.



Ngunit ang labis na ikinainit din umano ng ulo ng maraming netizens ay nang sabihin ng tanod na hindi essential goods ang lugaw.


"Essential goods po ba si lugaw? Hindi... Kasi mabubuhay ang tao ng walang lugaw"


Paliwanag pa ng tanod na ang essential goods daw na maituturing ay ang "tubig, gatas, toothpaste"


Katwiran ng rider na pagkain naman ang lugaw ngunit sinopla pa rin ito ng tanod at sinabing "e di sana lahat ng pagkain bukas!"


Bagaman at nabanggit ng babaeng tanod ang "food" tila pinanindigan pa rin nito na "hindi essential ang lugaw."


Dahil dito, umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag:


"Paano po kung may sakit ang kakain ng lugaw? Hindi pa rin po ba palalampasin ang mga rider?"


"Palagay ko po Ms. Tanod hindi naman po papayagan ng Grab na magdeliver pa sila ng ganyang oras kung bawal"


"FYI po, lugaw po ay food at kayo na po mismo ang nagbanggit na "food and essential goods" ang pwede"


"Buti na-video ni Grab rider, kudos din sa kanya sa pagiging mahinahon kasi may mga bukas po talagang kainan na 24 oras para sa mga frontliners natin kung hindi po ako nagkakamali"


"Ate, pakibasa po ulet, parang kayo po ang nalito, food po ang lugaw, pagkain po"


Narito ang kabuuan ng video:

Powered by Blogger.