Buknoy Glamurrr at Gabo, sinuspinde at pinagmulta ng management nila



Minabuti ng management ng Star Image Digital Network na humahawak kay Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo na maglabas ng public apology hinggil sa nagawa ng dalawa kamakailan na umani ng pambabatikos mula sa mga netizens.


Bukod sa suspension ng isang buwan na walang bayad, mag-mumulta din ang dalawa ng P100,000 dahil ito umano ang nakasaad sa kontratang kanilang pinirmahan.


Handa rin umanong suportahan ng management ang magiging legal aksiyon nina Vice Ganda sakaling magpasya itong kasuhan sina Buknoy at Gabo.



Matatandaang sa isang live video ay nag-usap ang dalawa at nagbahagi ng malisyosong mga pahayag kaugnay kina Awra, Vice Ganda at Ion.


Emosyonal na humingi ng dispensa ang dalawa matapos silang mapagalitan at mapagsabihan ng kanilang mga boss sa talent agency na kinabilangan nila.


Maging silang nasa management ay nagagalit din daw sa ginawa nina Buknoy.


Si Buknoy Glamurrr ay isang YouTube content creator na nakilala matapos ang kanyang kontrobersiyal na vlog kung saan tila hinahamak niya ang isang tricycle driver. Ginawa niya itong halimbawa para sa mga kabataan para mag-aral para umano hindi magaya sa mga ito.


Matatandaang naging usap-usapan din ang pagsasagutan nina Awra at Buknoy noong nakaaraan. Maging ang social media artist na si Xander Ford ay nadawit sa gulo nang kampihan niya si Buknoy. Kinalaunan ay humingi ng dispensa si Buknoy matapos makatanggap ng matinding mga pamba-bash.

Powered by Blogger.